Miss ko nang magturo. T_T Iniisip ko kung itutuloy ko na ‘yung plano kong bumalik ng school. Matagal ko nang plano pero naiisip ko minsan kung sigurado ba kong ‘yun na talaga. Nitong nakaraan lang naisip ko na DevComm na lang ulit kunin kong MS kasi miss ko na talaga Devcomm.
Tapos nainggit ako kay Ate @karenaness kasi kukuha sya ng diploma course para sa pagtuturo. Naisip ko gusto ko rin. Miss ko na talaga.
Hahay. Ano ba talaga Jane?
Pero if ever man, baka second sem pa. Wala pa rin kasi akong pera. Haha. Ang gastos ko kasi.
Hindi ko alam kung anong gagawin sa buhay ko. Ni hindi ko alam kung anong gusto ko.
Basta sana mag-June 23 na para magkadireksyon na ako. Wahahaha.
Iiyak ata ako pag di na umuwi sina Kynan sa Laguna at nagstay na lang sa Cavite. ‘Di man lang ako nakapagpaalam at nag-away pa kami nung last time kami magkita.
Kanina pa ko nalulungkot kasi simula kagabi patay ‘yung ilaw sa bahay nila. Wala lang. Si Kynan kasi ang boy-next-door ng buhay ko. Hayhay. :(
Bago mo pa isipin na nangangaliwa ako (haha!), baby pa si Kynan. Baby ko s’ya at mortal enemy ko rin paminsan.

Namiss ko s’ya bigla. :(

My bored and pakyot face.
Kahapon lang ako umuwing Laguna at sa halip sa dumiretsong bahay, sa tindahan sa San Pablo ako pumunta. Magiinquire kasi ako dapat sa travel agency kasi secret! Haha. Pero ayun, half day lang pala at ang late dumating ni daddy kaya di na kami nakapunta.
Tapos punta dapat akong SM pero hinintay ko pa si ate. Bale 4 hours ako naghintay. Grabe noh? Pero okay lang naman, di nya kasalanang isang oras syang stuck sa Edsa at alam ko rin namang 11 pa sya makakaalis sa Q.C. Ang dami ko tuloy napanood na Khuntoria at YongSeo eps. Nagrewatch lang ako kasi wala akong net. Huhuhu.
Tapos umuwi sina mommy sa bahay at tinatamad akong sumama kaya nagpa-iwan ako sa SM. Wala pa si ate nun kaya ayun. Bibili dapat ako ng USB para sa digicam ko pero wala silang USB na compatible kaya di ko alam kung paano ko pa ililipat yung pics! Hmp.
Nung nasa National Bookstore ako (nakabili na rin sa wakas ng Good Omens!), may bumati sa akin ng “Ate Jane!” tapos pagtinging ko, estudyante ko sa LTS! Natouch ako kasi naaalala pa n’ya ko. Di ko na maalala name nya pero tanda ko pa ‘yung nakasulat sa letter n’ya.*^^* Namimiss kong magturo my gahd.
Kakain palang ako dapat mag-isa sa Jollibee (sanay akong kumain mag-isa idk) tapos dumating bigla si ate. Naggala na lang kami sa department store kasi adik kami sa sapatos. Parisian i love you. <3 Pero di kami bumili. Haha. Pero bibili dapat ako ng hiking shoes kasi aakyat ako ng Pico de Loro next weekend! Kaso wala na silang size 6. huhu.
Pero ang pakay talaga namin eh manood ng Every Breath You Take! At natuwa naman ako sa movie kaso ang sama talaga ng pakiramdam ko. Kulang na lang humiga ako sa sinehan. Nung patapos na ‘yung movie, pumikit na talaga ko kasi di ko na kaya. AT pagmulat ko tapos na ‘yung movie! OMG. I hate myself. Huhuhuhu.
Paglabas namin ng sinehan, dumiretso akong CR kasi nasusuka ako at ‘yun nga nangyari. Kadiri. Nakapikit lang ako sa sasakyan. Pagdating sa bahay, nagsuka lang ulit ako at di na angdinner.
8PM AKO NATULOG WHAT THE EPP. SABADO! BAWAL MATULOG NG MAAGA.
Nakakainis lang kasi weekend ako lagi nagkakasakit kahit pinapanalangin ko minsan na magkasakit ako pag may pasok kasi nakakatamad na. Pero ayun. 1 year and 8 months na ko sa kompanya at ONCE ko palang nagamit ang SL ko at hindi pa dahil may sakit ako.
Huhuhuhu. Super sayang ang weekend pag magkakasakit lang. :| Pero okay na ako ngayon kaya susulitin ko ‘to ng sobra-sobra!

NOOOOO. Kumusta naman ang paggamit ko ng HD ko ano. 1TB ‘yan pero sobrang lapit nang mapuno. Wala pa akong pera pambili ng bago kaya kailangan ko munang tipid-tipidin ‘yang 200+ na yan. Huhuhu.
At nalaglag ko pala ‘yung HD ko kagabi! OMG. Muntik na akong maiyak kasi nakalas talaga s’ya. At nung nalaglag, kakalipat ko lang ng 2010-2012 random photos ko at kabubura ko lang sa laptop. Bale lahat ng memories ko mula 2010 eh andun at iiyak talaga ako pag nasira ang HD ko.
Pero gumana s’ya kaya ang saya ko lang. Whew.
Meron na kami ulit Tumblr sa office at ang pinakakinatatakutan ko ay mawala ulit ito.
Ang drama lang.
Susulitin ko na lang habang andito pa. Wahahaha



