YongSeo Couple </3 

Kalmado na ako. Pero kanina talaga hindi.

Hindi ko ikakaila na sobra akong naadik sa YongSeo couple at sila talaga nag-occupy ng utak ko buong linggo. Promise, medyo nahirapan nga ako magtrabaho nung hindi ko pa tapos panoorin kasi gustong-gusto kong umuwi na lang para manood.

Nung nag-alisan na ang mga bisita kanina, nanonood kagad ako ng last episodes ng YongSeo couple sa We Got Married at TONGENAAAAA. Malamang kilig na kilig ako at tawang-tawa pa rin ako. Kasi ang cute talaga nila.

Tapos nung last episode na, simula palang parang naiiyak na ako. Expected ko na rin naman na iiyak ako kasi nga, ayun. Naningin ako ng konting spoilers. Heh. Alam ko namang dadating ‘yung time na maghihiwalay na sila kasi di naman pwedeng forever sila sa We Got Married. Hay.

Naiisip ko palang parang maiiyak nanaman ako.

Nung hinatid na ni YongHwa si SeoHyun, sobrang depressed na ako. Tapos edi ayun, nahihirapan nga rin mag-bye si SeoHyun! Nakapasok na s’ya pero lumabas ulit s’ya tapos nag-hug sila. Tapos iyak na ako ng iyak. 

Ngawa kung ngawa. Hagulgol kung hagulgol. Ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganun! Sobrang di ko mapigilin. Tina-try kong itigil ‘yung pag-iyak kaso ayaw talaga! Ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganun! Promise. Hindi talaga ako iyakin at once a year lang ata ako umiyak tapos para dito pa!!!!!

HOMG.  T_____T TT_____TT ;_______; </3 </3 </33333

Depressed pa rin ako. Alam kong 9 months na halos mula nung airing ng last episode pero that doesn’t stop me from believing that YongSeo is still realllll. Yes, I am now one of those delusional fans. Hahay.

Hindi ko ata matatanggap na fake sila? Okay, siguro kung hindi man sila i love or something, imposibleng di nagkaroon ng something! IMPOSIBLEEEEEE. Imposible namang scripted ‘yun lahat dahil ‘di effective na artista si Jung YongHwa. lulz. Pero mukha namang natural kasi talaga ‘yung relationship ni Yong at Hyun eeeeh.

Nagtatawagan pa rin kaya sila? Nagtetext? Nagchachat? Nagkikita paminsan-minsan? Huhuhuhuhu. Sana close pa rin sila. ‘Yun na lang talaga hinihiling ko. Kung hindi man sila pwede maging “sila” ngayon, sana kung pwede na at gusto pa rin nila or gusto na nila isa’t-isa, sana maging silaaaaaa. 

YONGSEO COUPLE FOREVER

#1 OTP FOREVER.

P.S. Isusulat ko pa nga pala ‘yung Top 10 Obsessions of 2011 blog post ko at paniguradong kasama ‘to.


    1. charissevinz reblogged this from ohmydrivel
    2. ohmydrivel posted this